Do you like to dance?
Yes I do! Lagi nga kami sumasayaw ng mga kaibigan ko sa mga school programs nung elementary at high school. Kahit anong sayaw keribels: folk dance, jazz, ball room hiphop, cheerdance. Pati pag-animate sa mga kantang pngsimbahan go lang, basta kapag sayaw gora ako. Kung maari lang gawin ko nang career ang pagsasayaw ipu-push ko talaga dahil yan talaga ang passion ko. Well, hindi naman talaga ako gumawa ng steps para matuloy ang aking pagiging propesyonal na mananayaw. Pinangarap kong sumali sa UP street pero inunahan ako ng takot. So, pangarap na lang ang muli kong pagsayaw sa entablado. *sighs with regret*


